Preface sa ibang salita introduction. Yesss nag-tagalog ako sa blog na ito. Wala lang gusto ko lang. O para sa iba "trip lang". Bakit nga ba preface??? Yung totoo? Di ko din alam eh. Pero meaning kasi niya umpisa. Umpisa kasi, bago nanaman yung mga iopost ko dito. Nakakasawa na din pala ang madramang buhay. Kasi naman puro na lang love at broken hearts ang laman ng blog ko, eh wala pa naman akong experience dun. Nakikiuso lang naman ako.
It's a fresh new start nga naman talaga. At ang masaya pa Senior na nga ako, bukas pa ang 16th birthday ko. Ansaya di ba? Di ko alam kung paano ako makakawala sa paulit ulit nilang pag-sabi ng mga nakakalokang salita na "Uyyy blow-out naman diyan!". Nakakarindi rin pala yun? Hindi naman sa ayaw mong mantreat kaso paulit-ulit? =))))). Maybe being who you really are makes us different. Pero somehow, bakit kelangan intrigahin nila yung pagkatao mo? Hindi naman ito telenobela para subaybayan araw-araw. Di ka naman artista at sila ang mga pesteng paparazzi na mistulang agiw na pakalat kalat. Buti sana kung kasing tapang nila si Manay Lolit para sabihin ito sa'yo ng buong loog hindi yung, pa-STATUS STATUS o kaya naman itiTWEET na lang para di makita. Pero pag nag-kita tumatameme na lang at kunwari walang nanyari. Well, di naman kasi tumatalab ang ganun sa akin eh. Although, I do that everytime, not because I'm afraid to do so, kaso dahil once na sinabi mo yun ng diretso sa taong yun kakalat agad ang chismis at for sure tranding topic na yun sa buong school.
I have a lot of issues sa sarili ko, kaya nakakatawa yung mga taong nag-laslas daw. Yung laslas na di naman nakamamatay, well nakaka-Tanga siya pakinggan at tignan kasi kung yan lang pala ang drama mo sa buhay eh di tuluyan mo, DUH? Lahat naman tayo may sari-sariling issues sa buhay. At kung iaanalyzze mo naman ng mabuti pare-parehas lang tayo ng issues iba-iba nga lang ng story. Ok, mahaba na 'to next post na lang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment