Friday, September 23, 2011

Sisikat din ang Bagong Umaga

          Friday. Weekend nanaman. As usual lahat ng tao masaya pag ang friday ay pumatak na. Pero ang school hindi. Laging malungkot ang ambiance. Araw- araw nakakapanlumo tignan ang mga mukha ng mga guro kong nasasalubong. Pilit nilang tinatago ang mga lungkot na nadarama nila sa isang mapanglinlang na NGITI. Laging sambit ang mga katagang "Let us offer our prayer to Sir De Real" tuwing mag-uumpisa ang klase. Hindi ako against dito, sana nga laging may prayer brigade para gumaling na siya, pero kahit papano, nakakahawa din ang lungkot na pinipilit nilang tinatago sa kanilang mga mata.

          Di ko naging teacher si Sir, di din kami close. Pero nagkaron ako ng significant memory sa kanya nung napag-diskitahan akong idamay ni sa kunwaring panunukso sa kanya. Nakakatawa na nakakainis siya nun kasi pinatulan niya ang joke ni Sir Alson, at nakakinis kasi dinamay ako. Oks lang, yung lang kasi ang masayang memory ko sa kanya. Sa nakikita ko naman isa siyang mabait at masiyahing guro. Maaalalahanin sa kanyang mga advisory class kahit na madalas ay nagaglit siya sa mga ito. Supportive din siya at IDOL ko siya sa volleyball. Ngayon ay nasa ospital si Sir ngayon. Malubha at comatose. Di ko alam kung bakit sa dinami daming tao sa mundo siya pa pinili na magka-ganyan, pero siguro nga may mas maganda pa Siyang plano sa kanya. At nananalig akong gagaling din siya.

          Ngayon halos lahat ng tao sa school malungkot. Di namamalayan nakakasakit na din sila ng tao dahil sa kanilang pagkalugmok. Alam ko naman na malungkot, and I know that it breaks their heart. Affected sila ng panyayaring iyon dahil naging malapit na din si Sir sa kanya. Pero sana wag nilang kalimutan na andiyan Siya para gabayan si Sir, at isa lamang itong pag-subok sa kanya. We all know na kaya niya itong lagpasan, warrior siya eh. Kaya maibsan sana ang mga pusong tila nadudurog sa kada-araw na lumilipas na walang pag-babago sa kanyang kalagayan. Maaring minsan tayo ay nawawalan na ng pag-asa, pero wag natin kalimutan 'Sisikat din ang Bagong Umaga'.

Psalms 33:18
But the eyes of the LORD are on those who fear him, on those whose hope is in his unfailing love,

0 comments:

Post a Comment