Wednesday, April 18, 2012

Beauty and Power

          Sabi nga nila "Wala kang karapatang manlait kundi ka naman kagandahan." 

    Pero bakit? Kasi parang nilait mo na din ang sarili mo ganun? Di ba parang ang unfair. Bakit ba ganto tayo ano? Pag mataba ka, kung tignan ka nila habang nagsusukat ng damit eh kala mo nanakawin mo yung sinusukat mo. Ang sarap sabihin na "O eto pera ko! Isusupalpal ko pa sa'yo." Pag panget ka at bumibili ka ng make-up lalapitan ka pa ng sales lady at sasabihin, "Ay ma'am, mas bagy 'to sa'yo." Epal lang? Ikaw ba gagamit? Ikaw ba ang mawawalan ng pera? Hindi naman di ba? Bakit ganun? Di naman porket maganda ka na eh pwede ka na manlait at mag-reyna sa mundo. Di porket seksi ka eh pwede mo ng angasan ang ung sino mang gusto mong angasan. We're equally created naman di ba? Kaso bakit ganun? Bakit kelangan may nag-oover power? Bakit kelangan may mas superior sa'yo. Bakit kelangan physica appearance lagi. Bakit?! T*ng In*ng buhay naman yun oh. Sana malaman nilang andaming tao ang ayaw nang makipag-reach out sa ibang tao dahil sa low self esteem nila, dahil lang sa mga discrimination na nararanasan nila. Kelan ba magiging masaya ang mundo? :(

0 comments:

Post a Comment