"You don't how it feels to be left without any words to hear"
Di ko alam kung bakit hanggang ngayon nagkakaganto pa din ako. I mean sa parehas na tao pa din. Bakit? Di ba dapat maging okay na ako ngayon? Di ba dapat lahat ngmga nakikita ko, di na ko maapektuhin. Pero bakit ganun? Bakit naiinggit ako? Na ang nasa isip ko sana ako na lang g ulit yung nasa tabi niya, yung lagi niyang kausap, ung lagi niyang kinekwentuhan. Sana ako na lang. Nakakasawa na yung gantong pakiramdam ko pero bakit di ako amtautauhan? Nakakalungkot lang kasi kada umaga siya pa din una kong naiisip. Tuwing bago siya huling iisipin ko. Tas maalala ko lahat na sana ganto pa din kami hanggang ngayon.
Sana matapos na 'to. Kasi pagod na pagod na ko umiyak. Wala na kong kayang iiyak pa kasi feel ko naubos ko na siya. Sana wala na yung pain. Sana wala na yung jealousy. Sana wala na yung envy. Sana makalimutan ko na yung love. Sana maging manhid na lang ako. Kasi nahihirapan na ako. Napapagod na ako. Napagod na ako magtago sa isang maskara na punong pno ng pain. Ayoko na.

0 comments:
Post a Comment