"Pano kung may GF na ko ulit?"
Hanggang ngayon napapaisip pa din ako sa tanong yan. Kasi, oo nga no? Pano kaya kung may bago na siya ulit? Ano nga ba irereact ko? Ano nga ba mafefeel ko? Di ko alam. Hahaha. Pero ang alam ko nung nabasa ko yung tanong na 'to, ang naramadaman ko ay yung parehas na nafeel ko nung nakipag-break siya sa akin. Di ko alam kung bakit yun yung naramadam ko, pero gumuho yung pag-asa ko na pwede pa ibalik yung dati. Siguro nga wala ng pag-asa na mabalik pa yung dati, sige, kahit mahirap tatanggapin ko. Ilang linggong pag-iyak lang naman to tuwing gabi.
It's been 3 weeks na since the break-up, pero ang hirap pa din pala. Akala ko kasi, pag ganto na katagal magiging okay na ulit yung lahat, pero mahirap kasi di ko pa siya kayang pakawalan. Pero mag-tatry ako ng mabuti para gawin yun. Kasi, di ko naman na din hawak ang puso niya. Mahirap umasa. Umasa sa isang bagay na di ka sigurado kung mapagtatagumpayan mo ito. Kasi in the end, disappointment lang mapapala mo. Pero sa tulad ko, kahit ilang disappointment pa ang maranasan ko, okay lang at least nag-try ako. Wala akong pinagsisisihan na di ko ginawa. Ngayon, di ko alam. Clueless ako. Ano ba dapat maramdaman ko? :(

0 comments:
Post a Comment