It was December 2. 2011. Happiest day of my 2011 yan. Kasi nakausap na kita ulit. Hahaha. After nun lagi kong hinihiling na sana mag-text ka. Sana maging close tayo. Kasi sabi ko nun kahit yung pagiging close lang masaya na ako. Pero naging tayo. Daig ko pa talaga yung nanalo sa lotto nung naging tayo. Yung level bang happiness ko sumagad sa sagad. Parang naging Cinderealla buhay. Kasi wish granted ako. Akala ko hanggang sa wish granted lang yung Cinderella like story ko yun pala sa parang hanggang 12 midnight meron ako. Kasi wala pa atang isang linggo break na tayo. Umiyak ako, syempre, alam mo namang natural yun, ang hiniling ko na lang maging friends tayo. Na kahit gaano pa katagal mag-iintay ako. Kasi kung ang 15 months nga kinaya ko eh baka kayanin ko naman kahit libong taon pa yan. :)
Yung totoo, di ko alam kung saan ba ko lulugar sa'yo. Kasi dati tuwing tinatry ko lumayo sa'yo ako, tinotorture ko lang yung sarili ko. Kasi di ko pala kaya. Kaya kahit nahihirapan ako, go lang ako. Kasi ganun ka kaimportante sa akin. Nung dti nalaman ko na aalis ka na sa Pinas, para akong dinaganan ng sanlibong semento kasi nawala yung pag-asa na tatagal tayo. Tas yung sa sulat mo? Yung nakalimutan ibigay na sulat mo, alam ko na yung laman nun. Haha. At nanghinayang ako ng bonggang bongga. Kasi yung sagot na hinihiling ko, dumating na pala, di ko lang nabasa.
Ngayon, kelangan na talagang lumayo, gusto ko sabihing ayoko pero ang selfish naman kung sarili ko lang iisipin ko. Alam mo ba kung bakit ayaw ko? Kasi natatakot ako na layuan mo na din ako. Na hindi mo na ako kausapin. Kaya kahit na ano ginagawa ko. Pero, haha, eto eh dun din pala ako hahantong. Sige. Sana sa paglayo ko di mo ko makalimutan. Na maalala mong minsan may "Chat" kang nakilala. Be happy as always ahh. Magpagaling ka ahh? Ingat ka :). I love you.

0 comments:
Post a Comment