Hindi masusukat ang pagmamahal sa dalas ng inyong pag-sasama. O kaya sa lapit niyo sa isa't isa. Kundi, nasusukat iyon sa layo ng distansya niyo pero nagmamahalan pa din kayo. Kasi di naman yun yung importante eh. Ang importante ay yung TIWALA. Tiwala na kahit di man kayo madalas magkita, alam mong ikaw pa din ang laman ng isip niya. Tiwala na kahit di kayo madalas nag-kakausap, ikaw pa din yung hahanap-hanapin niya para pagsabihan niya ng mga masasayang nanyare at mga di kanais-nais na nanyare sa kanya. Kasi malalaman mo lang na nagmamahal ka ng totoo kung sa kahit anung paraan pa yan, nakakayang mong magmahal. Nakakaya mong kumapit kahit nasasaktan ka na. Nakakaya mong magbigay at magparaya kahit maPride ka. Nakakaya mong gawin ang akala mong impossible para lang sa kanya. At kaya mong mag-antay ng kahit gaano pa yang katagal para lang sa kanya. Kasi may TIWALA ka.
"It doesn't matter how much time it would take. I promise you, my door will always be open. Because you captured my heart, and never set it free.

0 comments:
Post a Comment